^

Bansa

Solon bumuwelta sa black propaganda

-

Binuweltahan kahapon ni Buhay Partylist Representative Carissa Cos­colluela ang kontrobersiyal na urban planner na si Felino Palafox sa aku­sas­yon ng huli na naglun­sad ang una ng “black propaganda campaign” upang sirain ang kanyang kre­dibilidad.

“He started this. Sino ba ang unang lumabas sa media at nagsalita tungkol sa isyu ng extortion sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)?,” wika ni Coscolluela.

“I don’t know him personally, so I don’t have a reason to launch a massive black propaganda campaign against him. In fact, I admire his reputation as accomplished person in his field of expertise,” wika ng mambabatas.

Ngunit sinabi ni Coscol­luela na wala sa lugar si Palafox nang magsimula itong magbitiw ng walang batayang akusasyon ng pangingikil laban sa isang SBMA official, na hang­gang ngayon ay hindi pa nito pinapangalanan.

Noong una, sinabi ni Coscolluela na nagsalita si Palafox sa media na isang anak ni SBMA Administrator Armand Arreza, na noon ay apat na taong gulang pa lang, ang humi­ngi ng 18-percent commission kapalit ng pag-apruba sa kanyang bid sa isang proyekto sa freeport zone.

“Paano mangyayari iyon, sampung taon lang ang anak ni Administrator Arreza at kung nangyari ito last year, ibig sabihin siyam na taon lang ito noon,” giit ng mambabatas.

Pagkatapos, itinuro ni Palafox ang isang Boy Cos­colluela na siyang nangikil sa kanya. “Isa lang ang Coscolluela sa SBMA Board at ito ang ama ko but his name is not even Boy,” wika ni Coscolluela.

Binawi naman ni Pala­fox ang akusasyon at inab­su­welto ang ama ng mam­babatas. (Butch Quejada)

vuukle comment

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

ADMINISTRATOR ARREZA

BOY COS

BUHAY PARTYLIST REPRESENTATIVE CARISSA COS

BUTCH QUEJADA

COSCOLLUELA

FELINO PALAFOX

PALAFOX

SHY

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with