^

Bansa

CARP in-extend ng 6 buwan

-

Sinabihan ni House Speaker Prospero No­gra­­les ang mga taong nagsa­sagawa ng hunger strike sa harapan ng entrance gate ng Maba­bang Kapu­lungan ng Kon­greso kabi­lang ang ilang mga obispo na ihinto na ang kanilang ginagawang protesta dahil nagkasundo na ang mga senador at mga kongre­sis­ta na magha­hain ng isang joint Senate House Resolution para palawigin ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Nograles, nagkasundo sila ni Senate President Juan Pon­ce Enrile, Majority Floor Lea­der Juan Miguel Zu­biri at Senator Edgardo Angara na palawigin hanggang Hunyo 2009 ang CARP upang mabig­yan sila ng sapat na pa­nahon para mapag-ara­lan ang mga importan­teng probisyon sa pina­panukalang reform agen­da ng programa ng pa­mahalaan.

Isinampa kahapon ang joint resolution na iniakda nina Nograles, House Majority Rep. Arthur Defensor at Bicol Rep. Edcel Lag­man na agad naman se­ser­tipi­kahan ni Pangulong Arroyo bilang urgent bill.

Gayunman, ihahain sa Senado ni Zubiri ang ga­gawin sa Kamara para ma­kabalik na sa kanilang mga lugar ang mga nagpo-pro­testang magsasaka.

Samantala, gusto ni Nograles na magkaroon ng tigil-putakan hinggil sa isyu ng Charter Change dahil mas prioridad ng mga kongresista na ta­pusin ang tungkol sa  national budget ng gob­yerno at ang CARP.

Ayon kay Nograles, malamang na pag-usa­pan nila ang tungkol sa Chacha sa pagbabalik ng mga kongresista sa Ene­ro 20 matapos ang ka­nilang Christmas break.

Gayunman, sinabi ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na mukhang umaatras na umano si Nograles sa isyu ng Cha­cha dahil nananawagan na ang huli ng ceasefire sa isyung ito. (Butch Quejada)

vuukle comment

ARTHUR DEFENSOR

AYON

BICOL REP

BUTCH QUEJADA

CAMARINES SUR REP

CHARTER CHANGE

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

NOGRALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with