^

Bansa

Police heroism sa Parañaque shootout

-

Pinapurihan kahapon ni Philippine National Police Chief Jesus Verzosa ang mga miyembro ng pulisya at mga sibilyan na nada­ may sa naganap na shoot­out kamakalawa ng gabi sa Parañaque City kasabay ng pagdalaw ng una sa paga­mutang pinagdalhan sa mga nasugatan.

Tinawag ni Vezosa na isang malaking katapa­ ngan ang ipinamalas ng kapuli­san sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin na ibinuwis ang sarili nilang buhay ma-protektahan la­mang ang publiko laban sa masa­samang elemento.

“Bravery of our men in line of their duty. We have dedicated police officers go beyond the call of their duty, willing to sacrifice their lives to protect the public from the fangs of criminal elements,” sabi ni Verzosa.

Partikular na pinapuri­ han ni Verzosa si Police SSupt Eleuterio Gutierrez ng Highway Patrol Group (HPG) Special Operations Division na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring nakiki­paglaban kay kamatayan sa Medical Center ng Parañaque City.

Si Gutierrez na kasapi ng Philippine Military Aca­demy (PMA) batch ’86 ay tinamaan ng bala sa ulo at malubhang nasugatan habang pinapangunahan ang isinagawang responde ng kanyang grupo sa naganap na running gun-battle sa pagitan ng mga operatiba, grupo ng Waray-Waray at Ozamis robbery holdup syndicates kama­ka­lawa ng alas-8:30 ng gabi sa Sucat, Parañaque City.

Bukod naman kay Gu­tier­rez ay dalawa pang mga miyembro ng Special Action Force, isang barangay tanod at isa pang security guard ang malubhang nasugatan sa nasabing enkwentro.

Dahil naman sa nasa­bing insidente ay umapela rin si Verzosa sa publiko na makipagtulungan sa awto­ridad sa pagsugpo sa masasamang elemento. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ELEUTERIO GUTIERREZ

HIGHWAY PATROL GROUP

MEDICAL CENTER

PHILIPPINE MILITARY ACA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF JESUS VERZOSA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SI GUTIERREZ

SPECIAL ACTION FORCE

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with