^

Bansa

Wag matakot sa Chacha - Nograles

-

Nilinaw kahapon ni House Speaker Prospero Nograles Jr. na anumang panukala hinggil sa gaga­wing pag-amyenda sa Konstitusyon ay magiging transparent at ikokonsulta sa mga taong sangkot partikular na sa publiko.

Iginiit rin ni Nograles na ang anumang panukalang baguhin ang Saligang Ba­tas ay walang kinalaman sa pagpapalawig ng ter­mino ng lahat ng mga halal na opisyal ng pamahalaan mula sa pangulo hang­gang sa mga municipal councilors.

Ang paglilinaw ay gi­nawa ni Nograles bilang reaksyon sa tanong ka­ugnay nang pagtatangka ng ilang miyembro ng Kongreso partikular ni Batangas Rep. Herme­nigildo Mandanas na nag­pasa ng resolusyon para sa ekstensyon ng termino ng lahat ng elected officials sa bansa hanggang sa taong 2011.

Ayon kay Nograles, inihain ni Mandanas ang resolusyon noon pang Abril, 2008 ngunit hindi kailanman nila ito itinakda sa anumang deliberasyon upang patunayan na hindi interesado ang Kamara sa naturang hakbang.

Aniya, walang dapat ikatakot ang bawat isa kung sakaling uusad man ang Charter Change o Cha-Cha dahil sesentro lamang ito sa mga “economic provision,” partikular sa tinatawag na 60-40 provision na inilarawan niyang napaka-’restrictive’ dahil sa pagbabawal nito sa mga dayuhang investors na magkaroon ng 100 por­syentong pagma-may-ari sa mga lupain at ari-arian habang nagne-negosyo sa bansa. (Butch Quejada)

ABRIL

ANIYA

BATANGAS REP

BUTCH QUEJADA

CHARTER CHANGE

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES JR.

MANDANAS

NOGRALES

SALIGANG BA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with