^

Bansa

Con-con bill inilarga na

-

Inihain na kahapon ni Sen. Mar Roxas ang pa­nukalang batas na nag­lalayong amiyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention.

Ang panukala ni Ro­xas ang panlaban ng Senado sa panukalang Constituent Assembly na isinusulong naman sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Roxas na kung nais ng Malacanang na baguhin ang Konstitus­yon, dapat ihalal ang mga delegado ng constitutional convention at isa­bay ito sa nalalapit na 2010 elections.

Naniniwala si Roxas na mas practical kung pagsasabayin ang pag­hahalal ng mga delegado ng Concon na babago sa Konstitusyon at eleksiyon sa 2010 upang makatipid ang pamahalaan,

Naniniwala si Roxas na mas layunin ng panu­kala sa Mababang Ka­pulungan ng Kongreso na panatilihin sa posisyon si Pangulong Gloria Arroyo kahit tapos na ang kan­yang termino sa 2010.

Sa Senate Bill No. 2923 ni Roxas, dalawang con-con delegates ang ihahalal sa bawat legislative district at isasabay ito sa 2010 national elec­ tions. (Malou Escudero)

CONSTITUENT ASSEMBLY

CONSTITUTIONAL CONVENTION

KONGRESO

MABABANG KA

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

NANINIWALA

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with