Erap nakiramay kay Ping
Personal na nakiramay si dating Pangulong Joseph Estrada kay Sen. Panfilo Lacson noong Huwebes ng gabi nang magtungo ang una sa burol ng ama ng senador na si Buenaventura ‘Tura’ Lacson, 94.
Dahil sa pagdalaw ng dating Pangulo, nawala ang mga espekulasyon na may tampuhan pa rin sa pagitan ng dalawa na nagsimula nang tumakbong presidente si Lacson noong 2004 kahit sinuportahan na ni Estrada ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernando Poe Jr.
Ayon sa source, biglang dumating si Estrada sa burol dakong alas-12 ng madaling araw at namalagi ito ng halos isang oras sa Funeral Homes sa Bayang Luma, Imus, Cavite.
Matatandaan na dalawang linggo na ang nakaraan ay naunang pumanaw ang ina ni Lacson na si Maxima kung saan hindi personal na nakapagpa-abot ng pakikiramay si Estrada. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending