^

Bansa

Impeachment vs GMA aaksyunan - Nograles

-

Inihayag kahapon ni House Speaker Prospero Nograles Jr., na hindi ma­ kakaabala sa iskedyul at mga aktibidad ng ibat-ibang komite ng Mababang Ka­pulungan ng Kongreso ang panibagong impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Arroyo.

Ayon kay Nograles, bagamat may mga mas importanteng bagay na dapat na talakayin at i-deliberate sa Kamara kum­para sa isyu ng impeachment, naniniwala aniya siya na hindi naman nito maa­apektuhan ang mga side issues tulad ng impeachment.

Ang pahayag ay gina­wa ng House Speaker ma­ka­raang sabihin ni Justice Committee Chairman Matias Defensor ng Que­zon City na layunin nilang resolbahin kaagad ang reklamo sa pama­ magitan nang pagtatakda ng serye ng mga pagdi­nig.

Ani Defensor, sinimulan nila ang deliberasyon upang matukoy kung sapat ang porma at nilalaman ng reklamo bago ito tuluyang irekomenda para sa deli­ berasyon sa plenaryo o tuluyang ibasura.

Sinabi ni Nograles, ba­gamat sa kanyang personal na pananaw ay naniniwala siyang pag-aaksaya la­mang ng oras, salapi ng taumbayan at hindi napa­panahon ang naturang impeachment complaint, nasa mandato pa rin nila na aksiyunan ito.

Samantala, sumipot sa pandinig sa Kamara si da­ting Agriculture under­secretary Jocelyn “Jocjoc’ Bolante at gaya ng sinabi nya sa Senado iginiit nito na walang fertilizer fund scam. (Butch Quejada)

ANI DEFENSOR

BUTCH QUEJADA

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES JR.

JUSTICE COMMITTEE CHAIRMAN MATIAS DEFENSOR

KAMARA

MABABANG KA

NOGRALES

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with