^

Bansa

Kidnaping sa Mindanao lumalala

- Doris Franche-Borja -

Mas lalo umanong lu­malala ang insidente ng Kidnap for Ransom ng mga Abu Sayyaf Group sa Min­danao kaya dapat na pag­tuunan ng pansin ng pama­halaan.

Ito ang sinabi kaha­pon sa pulong balitaan sa Tinapayan ni Chloie Men­doza, kapatid ni Milet Men­doza, isa sa pinaka­huling biktima ng kidnapping sa Zamboanga.

Ayon kay Mendoza, dapat pagtuunan ng pan­sin ng gobyerno ang ta­lamak na pagdukot sa lugar na ginagawa ng “ne­gosyo” ng mga bandi­dong grupo.

Sa talaan mula Enero 2008 hanggang ngayong Nobyembre, umaabot sa 33 ang nakidnap kung saan may kabuuang P49.1 mil­yon ang naibayad na ransom.

Ani Mendoza, kung dati ay pawang mga ma­yayaman at negosyante ang target ng mga kidnappers, target na rin ngayon ng kidnap group ang mga ordinaryong mamamayan pati na ang mga estud­yante.

Gayunman, sinabi ni Mendoza na tutol sila sa pagdedeklara ng all out war ng gobyerno dahil mas gusto pa rin nilang malutas ang problema na katulong ang lahat ng sektor ng li­punan.

Nabatid na kabilang sa mga naging huling biktima ng KFR ay sina Preciosa “Chuchay” Feli­ciano, registered nurse na pinaka­walan lamang ni­tong na­kalipas na Nob­yembre 7 matapos kidna­pin sa Zamboanga City noong Hulyo 7,2008; Espie Hu­pida, program director ng Nagdilaab Foundation Inc.; Merlie Milet Mendoza at ang pinakahuli ay si Joed “Honey Boy” Pi­langa, nursing student na dinu­kot sa Zamboanga City noong Oktubre 17 at kasa­lukuyang nasa ka­may pa ng kanyang mga abductor.

ABU SAYYAF GROUP

ANI MENDOZA

CHLOIE MEN

ESPIE HU

HONEY BOY

MENDOZA

MERLIE MILET MENDOZA

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with