^

Bansa

OFW patay sa aksidente sa Saudi

-

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi matapos na ma­sangkot sa isang car accident sa Saudi Arabia kamakailan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Philippine Embassy sa Riyadh, ang Pinoy ay kinilalang si Joven C. Canubas Jr., tubong Cebu.

Binawian ng buhay si Canubas noong Lunes matapos na bumangga ang kanyang sinasak­yang van sa isang truck habang naglalakbay sa Khurais area ng Aramco Khurais Crude Complex project sa Saudi Arabia.

Si Canubas, na nag­tatrabaho bilang pipe-fitter sa Saudi Arabian Saipem sa Dammam ay idineklarang dead on arrival sa King Fajad Hofuf Hospital.

Inaasahan namang kaagad na maipapauwi ng DFA ang bangkay ng biktima sa Pilipinas. (Mer Layson)

ARAMCO KHURAIS CRUDE COMPLEX

BINAWIAN

CANUBAS JR.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOVEN C

KING FAJAD HOFUF HOSPITAL

MER LAYSON

PHILIPPINE EMBASSY

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIAN SAIPEM

SI CANUBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with