^

Bansa

Ulat Panahon

-

Bumalik sa Pilipinas ang Bagyong Quinta at ngayon ay nagbabanta sa ibat ibang bahagi ng bansa lalu na sa Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, si Quinta ay namataan sa layong 430 kilometro sa kanluran ng Dagupan City ganap na alas 5 ng umaga at patuloy ang pagkilos sa katimugang bahagi ng bansa taglay ang pinakamalakas na hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-kanluran at timog ang iiral at ang Look ng Maynila ay katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 23 hanggang 29 antas ng Celsius (73°F hanggang 84°F). Sa Luzon ay maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Magiging malawakan ang pag-ulan sa Gitna at Hilagang Luzon na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa samantalang sa Kabisayaan ay madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag ulan at pagkulog-pagkidlat. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap ang kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. (Angie dela Cruz)

ANG KALAKHANG MAYNILA

ANGIE

AYON

BAGYONG QUINTA

BUMALIK

DAGUPAN CITY

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HILAGANG LUZON

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SA LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with