Pulisya nasisi sa kidnapping
Kakulangan ng mga nagrorondang pulis sa Ba silan ang sinisisi ni Basilan Bishop Martin Jumoad kaya malawakan ang pagdukot o kidnapping ng Abu Sayyaf dito.
Sa artikulong ipinoste sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang kakulangan ng pulis sa nasabing lalawigan ang siyang nagbibgay ng lakas ng loob sa mga bandido na kumidnap at pumatay ng mamamayan.
“Kung pupunta kayo dito, makikita nyong kulang ang pulis kaya nagtatanong ang mga tao kung saan sila pupunta kung may problema at humihingi ng proteksiyon,” ani Jumoad.
Ayon kay Jumoad, kung magiging mapagmatyag at dadagdagan ang bilang ng mga pulis na nakatalaga sa Basilan, masasawata ng mga awtoridad ang nakaaalarmang pagdukot. (Doris Franche)
- Latest
- Trending
















