^

Bansa

Ombudsman binira ni Gov. Garcia

-

Sa halip na maging san­ digan ng katarungan, gina­gamit umano ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kanyang posisyon bi­lang instrumento ng pag­hihiganti laban sa mga kri­tiko at kalaban sa pulitika ng kanyang pamilya.

Ginawa ni Bataan Governor Enrique “Tet” Garcia ang akusasyon matapos siyang patawan ni Gutier­rez ng anim na buwang suspensiyon kasama ang anim pang opisyal ng lala­wigan, dahil sa pagpasok sa umano’y maanomal­yang kasunduan sa Presidential Commission on Good Government kaug­nay ng isang ari-arian sa Mariveles, Bataan.

Sa isang television interview, iginiit ni Garcia na ginamit ni Gutierrez ang kanyang posisyon upang makaganti sa kanya dahil siya ang sinisisi ng Ombudsman sa pagkatalo ng nakababata nitong kapatid na si Roseller Navarro sa mayoralty election sa Sa­mal noong 2007. Inindorso ni Garcia ang kalaban ni Navarro sa eleksyon.

Sinabi pa ni Garcia na hindi dapat ipatupad ng Ombudsman ang suspension order dahil naghain na sila ng petition for certiorari sa Supreme Court ngunit, dahil hindi na mapalampas ni Gutierrez ang pagkaka­taon, agad nitong inilabas ang kautusan para sa kan­yang suspensyon. 

Sa loob lang ng isa’t kalahating taon ay nare­solba na ni Gutierrez ang reklamo, bagay na ikina­gulat ni Garcia dahil kilala ang Ombudsman na natu­tulog sa mga kontrobersiyal na kaso tulad ng P728-million fertilizer fund scam. (Butch Quejada)

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE

BUTCH QUEJADA

GARCIA

GINAWA

GOOD GOVERNMENT

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PRESIDENTIAL COMMISSION

ROSELLER NAVARRO

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with