^

Bansa

Pagsasalba sa Pinay sa Taiwan giit ng senador

-

Pinakikilos kahapon ni Senate Majority Leader Kiko Pangilinan ang Malacanang at Department of Foreign Affairs matapos magdesisyon ang Taiwanese court na bigyan pa ng pagkakataon ang overseas Filipino worker na si Cecilia Alcaraz na iapela ang death sentence sa kanya.

Ayon kay Pangilinan, dapat madaliin ng gobyerno at ng DFA ang pagkilos upang maisalba ang buhay ni Alcaraz.

Dapat din aniyang mag-isip ng pangmata­ga­lang programa ang gobyerno upang hindi na umalis ng bansa ang mga Pinoy.

Marami-rami na rin aniyang Pilipino ang nagbuwis ng buhay sa ibang bansa katulad nina Flor Con­templacion noong 1995, apat na OFWs sa Saudi Arabia noong 2005, Reynaldo Cortez noong 2007 at Jenifer Bedoya nito lang October

Umalis si Alcaraz, 47, para magtrabaho sa Taiwan bilang English teacher noong 2005.

Inaresto si Alcaraz dahil sa umano’y pagpatay at pagnanakaw sa isang Taiwanese at nahatulan ng kamatayan.

Ayon kay Pangilinan, dapat nang tigilan ng gobyerno ang panghihikayat sa mga Pilipino na lu­mabas at mag­trabaho sa ibang bansa sa halip na ibuhos ang talento dito sa Pilipinas. (Malou Escudero)

ALCARAZ

AYON

CECILIA ALCARAZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FLOR CON

JENIFER BEDOYA

MALOU ESCUDERO

PANGILINAN

PILIPINO

REYNALDO CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with