^

Bansa

2 sa 8 Euro generals nagsoli ng pera sa PNP

-

Dalawa sa 8 Euro ge­nerals ang nagsoli kaha­pon ng perang ginamit nila sa Russia alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa na ibalik ang tig-P274,070 cash advance ng bawat isang delegado sa Interpol assembly.

Unang nagsoli si PNP Director for Operations Police­ Director Silverio Alarcio sa PNP Finance Service. Buong P274,000 ang ibinalik niya habang P100,000 lamang ang naisoli ni Director German Doria, Directorate for Human Resource and Doctrine Development. Pero nagbigay na lamang si Doria ng promissory note na balak niyang bayaran ang kakulangan sa loob ng 30 araw.

Inaasahan naman ng PNP na ibabalik ng anim pang generals ang kani-kanilang travel allowance kabilang na si dating PNP Comptrollership Eliseo dela Paz.

Ang kontrobersya ay su­­mingaw matapos ma­sam­sam sa bagahe ni de la Paz ang P 6.9 M sa Mos­cow airport noong Oktubre 11.

Sinabi ni Verzosa na ginawa ng mga opisyal ang pag-release ng pondo ng walang sapat na bas­bas mula sa kanyang tang­gapan kaya dapat lamang na managot ang mga sang­kot dito.

Bukod kay dela Paz, pinakakasuhan din ng ad­ministratibo at malversation of public funds sa Ombudsman sina Finance Service Director Chief Supt. Orlando Pestaño, S/Supt. Tomas Rentoy, Division Chief ng PNP Comptroller at Supt. Samuel Rod­­riguez, disbursing officer ng PNP Intelligence Group . (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

COMPTROLLERSHIP ELISEO

DIRECTOR GERMAN DORIA

DIRECTOR SILVERIO ALARCIO

DIVISION CHIEF

FINANCE SERVICE

FINANCE SERVICE DIRECTOR CHIEF SUPT

HUMAN RESOURCE AND DOCTRINE DEVELOPMENT

PAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with