^

Bansa

18 karneng de-lata negatibo sa melamine

-

Kinumpirma kahapon ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) na nega­tibo sa melamine ang may 18-meat products na pawang galing China matapos isailalim ang mga ito sa “melamine test”.

Nakatakdang ilalabas ng BFAD sa Lunes ang nasabing resulta ng pag­susuri pati na ang mga pangalan o brand ng naturang mga meat products.

Magugunita na nitong nakaraang Martes, una ng inihayag ni National Meat Inspection Service (NMIS) executive director Jane Bacayo na ang mga sinusuring mga de lata ay kinabibilangan ng Ma Ling Luncheon Meat, Gulong Pork Luncheon Meat, Great Wall corned beef at isa pang brand na tinatawag na Narcissus.

Lahat umano ng na­turang produkto ay inang­kat sa China na unang hininalang kontaminado ng nakalalasong kemikal.

Paliwanag pa ni Ba­cayo, noon pa man ay hindi sila nagpabaya kung saan una na nilang na­isumite ang samples ng mga produkto sa mga private laboratories para suriin.

Kasabay nito, muling nagbabala ang BFAD sa mga negosyante na nag­bebenta ng mga Chinese milk products na walang English label dahil hindi umano maunawaan ng mga consumers ang na­ka­saad sa produkto.

Ayon pa sa BFAD na agad kukumpiskahin ng kanilang mga inspector ang mga makikitang ga­noong produkto alinsu­nod na rin sa ipinapa­tupad na “milk ban” laban sa mga Chinese milk products na kontaminado ng melamine pati na ang mga hinihinalang mga kontaminado ng nasabing nakalalasong kemikal.

Sa kasalukuyan, na­nana­tiling apat ang po­sitibo na kinabibilangan ng Lotte Strawberry Snack Koala Biscuit, Green Food Yili Pure Milk, Mengniu Original Drink Milk, at Jolly Cow Slender High Calcium Low Fat Milk. (Rose Tamayo-Tesoro/Ludy Bermudo)

DRINK MILK

GREAT WALL

GREEN FOOD YILI PURE MILK

GULONG PORK LUNCHEON MEAT

JANE BACAYO

JOLLY COW SLENDER HIGH CALCIUM LOW FAT MILK

LOTTE STRAWBERRY SNACK KOALA BISCUIT

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with