^

Bansa

MOA-AD unconstitutional! - SC

-

Sa botong 8-7, idinek­larang unconstitutional ng High Court ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na sana’y lalagdaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto at magpapalawak sana ng teritoryo ng MILF.

Nakasaad sa 89 pahi­nang desisyon ng Supreme Court (SC) na hindi maa­aring lumagda sa kasun­duan ang pamaha­laan sa grupo ng MILF dahil lala­bagin nito ang probis­yon ng Saligang Batas kaugnay sa national territory at interes ng publiko.

Bukod dito nakasaad pa sa desisyon na walang naganap na konsultasyon sa mga apektadong komu­nidad na sasakupin ng Bangsamoro Juridical Entity (BJE).

Wala ni isa sa 11 ma­histrado ang sumuporta sa MOA kung saan 8 ang direktang nagsabi na labag ito sa batas habang 7 na­man ang nagsabi na wala na itong saysay o moot and academic na dahil sinabi na naman ng gob­yerno na hindi na nila ito lalagdaan sa anumang pag­kakataon.

Matatandaan na ka­bilang sa mga naghain ng petisyon kontra MOA-AD ay sina North Cotabato Governor Jesus Sacdalan at Vice-Governor Emma­ nuel Pinol, Zambo­anga City Mayor Celso Lobre­gat, Representatives Isa­belle Climaco at Erico Basilio Fabian, dating Senate President at Liberal Party National Chairman Franklin Drilon at United Opposition (UNO) Spokesperson Adel Tamano at panghuli si Sen. Manuel Roxas.

Iginiit ng mga ito na ang MOA-AD ay katumbas ng pagbuo ng isang hiwalay na estado kung saan ilang lugar sa Mindanao ang mapapabilang sa Bang­samoro Juridical Entity (BJE) kung saan magka­karoon sila ng sariling estado. 

Samantala, sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza na hahayaan nilang magdesisyon ang kanilang legal team sa susunod na hakbang na gagawin kasunod ng pag­basura ng Supreme Court sa MOA-AD.

Iginiit naman ni Sen. Mar Roxas na sibakin ni Pangulong Arroyo ang mga opisyal ng gobyerno na nagsulong ng MOA. (Gemma Amargo-Garcia/Rudy Andal/Malou Escu­dero)

ANCESTRAL DOMAIN

BANGSAMORO JURIDICAL ENTITY

CITY MAYOR CELSO LOBRE

ERICO BASILIO FABIAN

GEMMA AMARGO-GARCIA

HIGH COURT

IGINIIT

JURIDICAL ENTITY

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with