^

Bansa

RP 10 yrs. di aangkat ng langis - Dureza

-

Sa tulong ng nakuku­hang 22,000 bariles ng langis kada araw mula sa Galoc Oil Fields sa Pa­lawan, sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza na matu­tupad sa loob ng 10 taon ang hangarin ng Pili­pinas na makawala sa tani­kala ng pag-aangkat ng langis.

Ngunit iginiit ni Dureza na hindi lang sa Galoc tumataya ang gobyerno dahil may 32 iba pang oil explorations na isinasa­gawa ang pamahalaan, sa tulong ng ilang private contractors, sa taong ito.

“We also have oil explorations in Cebu, Davao, Agusan, Cagayan and the Central Luzon Basin,” paliwanag ni Dureza.

Ang Palawan ay isa sa major source ng oil at natural gas para sa bansa. Noong 1992, nadiskubre ang isang mayamang source ng natural gas, 80 kilometro mula sa dalam­pasigan ng Palawan, na kilala ngayon bilang Ma­lampaya Natural Gas Field.

Ang Malampaya ang nagbibigay ng gasolina upang patakbuhin ang tatlong electrical plants sa Batangas na may kapa­sidad na 2,700 megawatts.

Maliban pa rito, sinabi ni Dureza na malaki ang maitutulong ng Galoc upang mapalakas ang dollar reserve ng bansa dahil mababawasan nang husto ang halaga ng iniaangkat na langis kapag naging tuluy-tuloy na ang supply ng langis mula sa natuk­lasang oil field. (Rudy Andal)

ANG MALAMPAYA

ANG PALAWAN

CAGAYAN AND THE CENTRAL LUZON BASIN

DUREZA

GALOC

GALOC OIL FIELDS

NATURAL GAS FIELD

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with