^

Bansa

39,000 bagong guro kailangan

-

Para masigurong matu­ tutukan sa kanilang pag-aaral ang lumolobong po­pulasyon ng mga mag-aaral sa public schools ay mangangailangan ang bansa ng 39,000 bagong teachers at P5.3 bilyong karagdagang budget.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, ang kasalukuyang ratio ng teacher sa estud­yante ay 1:50, malayo sa hinahangad at nararapat na isang guro sa 35 estud­yante.

Sa istadistika mula sa gobyerno para sa school year 2006-2007, ang public school enrolment sa elementary students ay 12,096,656 habang sa secondary ay 5,072,210 na lubhang malayo sa bilang ng mga guro na 343,646 sa elem. at 128,19 sa HS.

Tinuran ni Gordon na ang dahilan ng kakulangan ng guro ay ang kababaan ng kanilang sweldo. Nala­man na ang monthly salary ng isang pangkaraniwang guro ay P12,000, ngunit dahil sa mga standard deductions ang naiuuwi na lamang nila sa kanilang mga pamilya ay P10,000 habang ang iba ay wala na halos sa rami ng mga loans na kanilang pinapasok. (Malou Escudero)

AYON

GORDON

GURO

KANILANG

MALOU ESCUDERO

NALA

RICHARD GORDON

SHY

TINURAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with