^

Bansa

Batasan bomber nakatakas

- Joy Cantos -

Isang suspek na na­ging testigo kinalaunan sa pambobomba sa labas ng gusali ng House of Representatives sa Batasan, Que­zon City noong naka­raang taon ang napa­ulat na tumakas kaha­pon ng umaga mula sa kustodya ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Sinabi ni CDIG Chief Superintendent Raul Castañeda na ban­dang alas-6:00 ng umaga nang matuk­lasan ang pagkaka­takas ni Ikram Indama na naunang suspect sa naturang pambo­bom­ba na ikinasawi ni Ba­silan Congressman Wahab Akbar at ng apat pang katao at iki­nasugat ng siyam pa.

“Sinisikap naming mahuli siya. Kinokon­tak namin ang kanyang pamilya. Kung gusto niyang ibang tao ang magbantay sa kanya, sabihin lang niya, da­pat magpaalam muna siya para makapag­rekomenda kami sa Department of Justice”, pahayag ni Castañeda.

Nagpaalam umano sa kaniyang custodian para maligo si Indama sa banyo room subali’t matapos ito ay parang bula na lamang itong nawala.

Si Indama na na­ging driver ni dating Ba­silan Rep. Gerry Salapuddin na mahig­pit na kalaban sa puli­tika ni Akbar ay miyem­bro umano ng Abu Sayyaf at star witness sa Batasan blast noong Nobyembre 13, 2007.

Ayon kay Casta­ñe­da sa oras na hindi bu­malik sa kanilang kus­todya si Indama ay babawiin na nila ang status nito bi­lang witness sa kaso sa san­ daling mapatuna­yang tumakas talaga ito sa kanilang kustodya.

Si Indama ay isina­ilalim sa kustodya ng PNP-CIDG matapos na gawin itong testigo sa ilalim ng Witness Protection Program ng Department of Justice.

Inirekomenda na­man kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang pagsu­s­pinde sa mga police personnel na nagba­bantay kay Indama bago ito tumakas. (May ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

ABU SAYYAF

BATASAN

CAMP CRAME

CASTA

CHIEF SUPERINTENDENT RAUL CASTA

CONGRESSMAN WAHAB AKBAR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

INDAMA

SHY

SI INDAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with