^

Bansa

Chiz sa GSIS: Bilyong pisong pondo ilantad!

-

Sa harap ng pangam­ba ng mga GSIS members na baka nalaspag na ang kanilang pondo sa pase­gu­ruhan ng pamahalaan, hinamon ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero si Government Service Insurance System (GSIS) na ilantad sa publiko kung buo pa ang bilyon pisong pondo ng paseguruhan ng pama­halaan.

Nanawagan si Escu­dero kay GSIS president/general manager Winston Garcia na huwag lang salita, bagkus patunayan na buo at hindi nalusaw ang isang bilyong dolyar na pera ng pension fund sa gitna na rin ng pan­daigdig na krisis sa pa­nanalapi.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate Ways and Means Committee, obligasyon umano ni Gar­cia na ipakita sa publiko at mga GSIS members ang pru­ weba at hindi lang press release, na hindi tinamaan ng US financial meltdown ang $I billion ‘Global Investment Fund’ (GIF) ng GSIS. 

“If they are not hiding anything and indeed the funds are safe, come out with the proof and let the public know the details of the investments made by these fund managers,” diin pa ni Escudero. 

Si Escudero, ang pa­ngunahing kandidato sa ngayon sa pagkabise-presidente, ay isa lang sa dumaraming bilang ng mga mambabatas na duda sa ipinagyayabang ni Gar­cia na walang dapat ika­takot ang mga GSIS members sa ginawa nitong paglalabas ng isang bil­yong dolyar na pera ng pension fund (mahigit P47 bilyon) noong nakaraang Nobyembre upang ipasok sa mga negosyo sa labas ng bansa. 

Noong nakaraang ling­go, nanawagan na rin ng im­bestigasyon sa Kongreso si Gabriela party list Rep. Liza Maza upang tiyakin ang katotohahan ng mga sina­sabi ni Garcia. 

Ibinulgar pa ni Maza na simula pa noong naka­raang buwan, kahit ang mga ka­wa­ni sa Kamara de Repre­sentantes ay hindi na rin ma­kakuha ng salary loan at iba pang benepisyo sa GSIS. 

Sa huling pagdinig ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions na ipinatawag ni Sen. Edgardo Angara, committee chairman, ta­nging si Garcia ang hindi sumipot upang magpali­wanag sa estadong pam­pinansiyal ng GSIS. (Butch Quejada)

vuukle comment

BANKS AND FINANCIAL INSTITUTIONS

BUTCH QUEJADA

EDGARDO ANGARA

GARCIA

GLOBAL INVESTMENT FUND

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

LIZA MAZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with