^

Bansa

Tinapay nagmahal

-

Bagamat bumaba ang presyo ng harina sa halagang P13 kada sako, itinuloy pa rin ng Philippine Baking Industry Group ang pagtaas sa presyo ng tinapay matapos na mabigo ang mga flour millers na ibigay ang kahilingan ng grupo na maibalik sa dating P930 ang presyo ng kada bag ng harina.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa May­nila, sinabi ni Lucito Chavez, vice president ng Bakers Confederation of the Philippines, sinabi nito na hindi na­man nila itataas pa ang presyo ng tinapay hanggang sa matapos ang taon dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng bigas at langis.

Noon pang Biyernes nagdagdag ng P1 sa kada loaf bread ang grupo habang 0.50 sentimos naman kada balot ng pandesal.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Chavez na ligtas at hindi kontaminado ng “melamine” ang sangkap na gatas na kanilang inihahalo sa paggawa ng tinapay. Galing umano sa New Zealand, Australia, Denmark, Holland at USA ang gatas kaya nakakatiyak ang publiko na walang mela­mine ang tinapay. (Doris Franche)

BAGAMAT

BAKERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

BIYERNES

CHAVEZ

DORIS FRANCHE

KAUGNAY

LUCITO CHAVEZ

NEW ZEALAND

PHILIPPINE BAKING INDUSTRY GROUP

TINAPAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with