^

Bansa

Dagdag benepisyo sa mga drivers, ok sa LTO

-

Suportado ni Land Transportation Office Chief Alberto Suansing na mapagkalooban ng  dag­dag benepisyo ang mga drivers sa bansa sa ilalim ng Drivers License Enhancement Program (DLEP).

Sa ilalim ng DLEP, poproteksiyunan nito ang bawat driver ng halagang P100,000 sa isang taon na ang babayaran la­mang ng mga ito ay ha­lagang P30.

Sa TPL kasi ay ang mga sasakyan lamang ang protektado kapag nasangkot ito sa aksi­dente gayung sa ilalim ng DLEP ang mga drivers naman ang poprotek­tahan ng programa.

Gayunman, sinabi ni Suansing na dapat mu­nang magkaroon ng ma­lawakang public consultations ang LTO sa mga driver sa iba’t ibang panig ng bansa tungkol sa programang ito upang malaman nila ang paki­nabang ng naturang pro­grama.

Una nang nagkaroon ng public consultation sa LTO East Avenue, QC nitong Hulyo sa pagitan ng transport groups na Pasang Masda, Alto­dap at Acto kung saan naging katanggap-tang­gap naman ito sa natu­rang mga grupo.

Anila, kung ang isang driver ay gumagastos ng P30 sa pagbili ng si­ garilyo sa isang araw lang, sa DLEP ay P30 lang ang magagastos nila pero covered sila ng halagang P100,000 sa isang taon.

SInabi ni Suansing na kapag ang naturang pro­grama ay suportado ng lahat at positibo namang mabebene­ pis­yuhan ang mga driver ay wala an­yang dahilan para tutulan ito. (Angie dela Cruz)

ACTO

ANGIE

ANILA

DRIVERS LICENSE ENHANCEMENT PROGRAM

EAST AVENUE

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF ALBERTO SUANSING

PASANG MASDA

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with