^

Bansa

PNP full alert vs terorista

- Joy Cantos -

Itinaas na kahapon ng Philippine National Police sa full alert status ang buong puwer­sa nito sa buong bansa laban sa pananalakay ng pan­ daigdigang te­roristang grupong Je­maah Isla­miyah na may ugnayan sa Al Qaeda.

Ayon kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., ang ‘full alert status’ ay kaniyang inu­tos kasu­nod ng madu­gong pam­bobomba noong Sabado ng mga pinag­hihinalaang Al Qaeda sa Marriot hotel sa Pakistan.

Sa nasabing insi­dente ay 53 katao ang nasawi habang mahigit pa sa 100 ang nasuga­tan kabilang ang isang Pilipina.

Sinabi ni Razon na, bagaman wala na­mang silang natatang­gap na intelligence reports hinggil sa po­sibleng pambobomba ng JI terrorists sa mga hotel, dayuhang Em­bahada kabilang ang US Embassy, pangu­nahing instalasyon ng gob­yerno, oil depot at iba pa, mas mainam na ang nakahanda sa lahat ng oras.

Kabilang rin sa ma­higpit na binabantayan ang Metro Rail Transit, Light Rail Transit Authority, daungan, pali­paran, bus terminals, bisini­dad ng malalaking sim­ba­han, shopping malls, Makati City na itinuturing na pinansyal district ng bansa at iba pa.

vuukle comment

AL QAEDA

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

ISLA

ITINAAS

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MAKATI CITY

METRO RAIL TRANSIT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with