2 ex-PCSO official pinaaaresto
Inutos kahapon ng Quezon City Regional Trial Court ang pagdakip kina dating Philippine Charity Sweepstakes Office Director Linggoy Alcuaz Jr at dating PCSO Corporate Secretary Cirilo Avila kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban sa kanila ni dating PCSO Chairperson Ma. Livia “Honeygirl” de Leon.
Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Evangeline Castillo-Marigomen ng branch 101, inirekomenda ang piyansang tig-P10,000 para sa pansamantalang kalayaan nina Alcuaz at Avila.
Sa reklamo ni de Leon, iginiit nitong gusto lamang siyang siraan at ipahiya ng dalawa nang akusahan siyang tiwaling opisyal ng PCSO. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending




















