Pagkansela ng prangkisa ng Sulpicio inirekomenda ng BMI
Nagpalabas na ng rekomendasyon ang Board of Marine Inquiry (BMI) na nagrerekomenda sa kanselasyon ng prangkisa o certificate of public convenience ng Sulpicio Lines Inc. (SLI) dahil sa kabiguan umanong ingatan ang mahigit 800 pasahero na sakay ng tumaob at lumubog n M/V Princess of the of the Stars sa Romblon noong Hunyo 21.
Kinumpirma ito kahapon ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Lt. Senior Grade Armand Balilo, batay sa inilabas na resulta ng BMI na nakatakdang isumite ni PCG Commandant Vice Admiral Wilfredo Tamayo sa Department of Transportation and Communication (DTOC).
Batay sa ulat, nagpabaya umano ang ship captain na si Florencio Marimon kaya’t ipinare-revoke ang lisensiya nito bagamat hindi pa batid kung nakaligtas ito sa nasabing trahedya sa barko.
“The master failed to monitor the movement of his vessel relative to the movement of the typhoon,” ayon kay Balilo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending