^

Bansa

No extension kay Gen. Razon

-

Sakali man at magpa­ tuloy ang mga kaguluhan sa Mindanao bunsod ng pagwawala ng pasaway na mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay malabong mapa-l­ awig pa ang termino ni PNP Chief Director Gene­ral Avelino Razon Jr.

“It’s very unlikely,” pa­hayag ni Interior and Lo- cal Government Secre- tary Ronaldo Puno nang tanungin kung paano pa­ngangasiwaan ng pulisya ang pagtugis sa mga su­malakay na kasapi ng MILF sa oras na bumaba sa puwesto si Razon sa susunod na buwan.

Si Razon, produkto     ng PMA­ Class 1974  ay ­nakatakdang magretiro    sa darating na Setyem-  bre 27 pagsapit ng ika-56    taon nitong kaarawan.

Sinabi ni Puno na ka-hit siya’y di komportable   sa pagreretiro ni Razon    ay may polisiya ang Na­ tional Police Commis- sion na di pabor sa pag-extend sa termino ng PNP chief dahil mahahadla­ ngan nito ang takdang pag-angat sa ranggo ng ibang opisyal.

“I think the Chief PNP himself is the first person to insist on his program of modernization and moral transformation in the po-lice ranks to be implemen­ted,” ayon pa kay Puno.

Idinagdag pa  ni Puno na naniniwala silang ka- ka­yanin at may kapabili-dad ang susunod na hi-   hira­nging  PNP Chief na pa­nga­siwaan ang ope­rasyon sa Mindanao. (Joy Cantos)

AVELINO RAZON JR.

CHIEF DIRECTOR GENE

GOVERNMENT SECRE

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with