^

Bansa

P9,000 umento ng teachers tiniyak

-

Tiwala si Department of Education Secretary Jesli Lapus na madadag­dagan ang sahod ng mga guro at non-teaching per­sonnel matapos ang napi­pintong pagpasa ng Kon­greso ng batas para rito.

Ayon kay Lapus, sini­guro sa kanya ni Speaker Prospero Nograles at incoming House Appro­priate Committee Chair­man Junie Cua na pagtu­tuunan ng pansin sa su­sunod na linggo ang   pag­pasa sa P9,000 taas ng sahod ng mga guro sa loob ng tatlong taon.

Sa kasalukuyan, ang sahod ng isang public school teacher ay umaa­bot sa P12,000 kada bu­wan at karagdagang P2,500 bilang compen­sation at allo­wances. Kung madadagdagan ito ng P3,000 kada taon ay isang napa­kala-king bagay ito sa mga guro.

Naipasa na sa 3rd reading ang Se­nate bill no. 2408 na nagpapanu­kala ng pagbibigay ng dagdag sahod sa mga public school teachers.

Ang counterpart nitong House bill no. 4743 ay nakatakda namang dinggin sa susunod na linggo at inaasahan ni Lapus na bago ang recess ng Kongreso sa Oktubre 11, 2008 ay ga­nap na itong isang batas. (Edwin Balasa)

AYON

COMMITTEE CHAIR

DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

EDWIN BALASA

HOUSE APPRO

JUNIE CUA

LAPUS

SHY

SPEAKER PROSPERO NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with