^

Bansa

49 OFWs minaltrato sa Jordan, Kuwait dumating sa NAIA

-

Dalawang domestic helpers ang tulala at na­ba­liw na kabilang sa 49 Overseas Filipino Workers  na biktima ng pagmamal­trato sa Jordan at Kuwait ang dumating sa bansa kaha­pon ng hapon.

Personal na sinalu­bong ni Senator Manny Villar ang mga OFWs na kinilalang sina Joan Bang­lot, Rowena Marticio Ulay at Dullina Aradias Malali nang duma­ ting sa NAIA 1dakong alas-3 ng hapon sakay ng Etihad flight EY-428 mula sa Jordan. Su­munod namang du­mating ang 46 OFWs lulan ng Kuwait flight KU-411.

Ayon kay Villar at ng Overseas Workers Welfare Administration, na­apek­tuhan ang pag-iisip nina Malali at Ulay dahil sa sobrang kalupitang dina­nas sa kamay ng kanilang mga employer sa Jordan.

Kinondena naman ni Claro Genio, Pangulo ng Philippine Association of Manpower Agencies for Jordan, ang mga recruitment agency na patuloy na ilegal na nagpapadala ng mga OFWs sa Jordan at Kuwait sanhi ng pagtaas ng pang-aabuso sa mga mangga­gawang Pinoy.

Sinabi ni Genio na ka­tu­wang ang kanilang grupo sa mga ahensya ng pama­halaan na sugpuin ang mga ilegal na pagpapadala ng mga OFWs sa nasa­bing bansa.

Hiniling nila sa pama­halaan na gumawa pa ng hakbang para maparusa­han ang mga recruiter at airport personnels na kasab­wat sa escort service bunga ng pagtaas ng kaso ng human trafficking sa bansa. (Ellen Fernando)

CLARO GENIO

COUNTRY

DULLINA ARADIAS MALALI

ELLEN FERNANDO

PLACE

REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with