^

Bansa

Mindanao People Power

-

Ipinalabas kahapon ng Supreme Court ang isang temporary restraining order na pu­mipigil  sa paglagda sa memorandum of agree­ment ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front na magpa­ palawak sa teritoryo ng mga minoryang Muslim sa Mindanao.

Ginawa ng Mataas na Hukuman ang hak­bang kasunod ng ban­ta ng mga Kristiyano sa Mindanao na mag­daraos sila ng mala­wakang kilos-protesta tulad ng people power para hadlangan ang kasunduan.

Sinabi ng tagapag­salita ng Mataas na Hukuman na si Midas Marquez na unanimous ang naging de­sis­yon ng mga mahis­trado pagkatapos ng kanilang en banc session kahapon.

Itinakda ang oral argument sa kaso sa Agosto 15.

Kabilang sa hu­mingi ng TRO sina North Co­tabato Governor Jesus Sacdalan, Vice Governor Emma­nuel Piñol, Zam­boanga City Ma­yor Celso Lobregat, Rep. Ma. Isabelle Cli­maco ng 1st district ng Zam­boanga at Erico Basilio Fabion ng ika­lawang distrito.

Libu-libong mga re­sidente at opisyal ng Zamboanga ang nag­sipagprotesta  laban sa MOA kahapon.

Sa panayam kay Zamboanga City Police Chief Sr. Supt. Lurimer Detran, tina­tayang aabot sa 8,000 hanggang 10,000 ka­tao ang nakilahok sa kilos protesta sa lung­sod bago magtanghali.

 Marami ring mga tindahan at ibang ne­gosyo ang nagsara para makiisa sa kilos-protesta.

Tinututulan ng mga residente ng Zam­boanga Peninsula na mapabilang ang ilan nilang mga barangay sa pinalawak na Bangsa­moro Juridical

Takda sanang mag­tungo ngayong Martes sa Malaysia ang mga negosyador ng pama­halaan at ng Moro Islamic Liberation Front  para lagdaan ang ka­sunduan na tutukoy sa teritoryong hahawakan ng MILF.

Sa kasunduan, may isasamang 712 ba­rangay para palawakin ang sakop ng autonomous region bagaman kailangan itong idaan sa plebesito.

Tinutulan naman ito ng mga katolikong pu­litiko dahil magpapa­siklab anila ito sa pa­nibagong sectarian violence o away ng iba’t ibang sektor. Idi­nagdag nila na haha­rangin nila ang plano ng pamaha­laan na mapagtibay ang ka­sun­duan.

Ilang senador ang nagbabala na, sa halip na kapayapaan ang idudulot ng kasun­duan, posibleng pag-ugatan pa ito ng pag­danak ng dugo at People Power sa Min­danao. (Gemma Garcia, Joy Cantos, Rudy Andal at Malou Escudero)

vuukle comment

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PLACE

SHY

ZAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with