^

Bansa

Senado kinalampag sa legalisasyon ng motorcycle taxis

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senado kinalampag sa legalisasyon ng motorcycle taxis
Nagsagawa ng protesta sa harap ng Senado ang grupo ng mga riders na Motorcycle Taxi Community Philippines para hilinging isabatas na ang panukala para sa legalisasyon ng motorcycle taxis sa bansa.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kinalampag ng mga motorcycle taxi riders ang Senado upang hilingin ang pagsasabatas ng panukala para sa legalisasyon ng motorcycle taxi sa bansa na limang taon ng nasa ilalim ng pilot study.

Ayon kay Motor­cycle Taxi Community Phi­lippines (MTCP) Chairman Romeo Maglunsod, sila ay nanawagan kay ­Senate Committee on Public Services Chairman Senator Raffy Tulfo na unahin at pabilisin ang legalisasyon ng motorcycle taxis sa Pilipinas.

Iginiit ni Maglunsod na sa tagal ng panahon bago tuluyang matapos ang subway, MRT, LRT at maging bus rapid transportation ay napakalaking tulong bilang alternatibong transportasyon ang motorcycle for hire.

Ipinaliwanag pa ni Mag­lunsod na kapag naisabatas ang panukala ay tuluyang makikinabang ang mga pasahero at ­rider maging ang kum­panya at ang pamahalaan dahil magbabayad na sila ng tamang buwis.

Bukod dito magkakaroon na ng tamang insu­rance ang mga rider at magkakaroon ng proteks­yon ang mga tumatangkilik sa kanila bilang alternatibong transportasyon.

Batay sa datos, nasa 50,000 ang motorcycle for hire na nag-o-operate sa buong bansa batay sa pilot study program suba­lit nagpapatuloy din ang pagdami ng habal-habal.

Naniniwala pa si Mag­lunsod na kung maisasabatas ang panukala ay mababawasan ang habal-habal dahil matutulungan silang makapasok ng legal sa industriya.

RALLY

RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->