^

Bansa

2 barko ng PCG, tandem na vs China ‘monster ship’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 barko ng PCG, tandem na vs China �monster ship�
China Coast Guard vessel 5901, nicknamed the “monster ship,” off the coast of Capones Island, Zambales on January 4, 2025.
Businessworld / Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Dalawang barko na ng Philippine Coast Guard ang nagtataboy sa dambuhalang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na papalapit na sa pampang ng Pilipinas partikular sa bahagi ng Zambales.

“It’s getting closer to the Philippine coastline… and that is alarming,” ayon kay National Task Force - West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya kahapon.

Kasabay nito, nanawagan din ang pamahalaan sa China na paalisin o tuluyan nang i-withdraw ang kanilang ‘monster ship’ mula sa teritoryo ng bansa.

“And we have made a clear request and demand with the Chinese government to withdraw their ship. So let’s see what their response will be. We’ll take it from there.”

Sinabi ni Malaya na ang deployment ng mga Chinese ships ngayong taon ay mas malapit na sa Philippine coast at ang huling mga galaw nito ay isa aniyang ‘intimidation tactic,’ na ang intensiyon ay i-discourage ang mga Pinoy na mangisda doon.

“We do not and will not dignify these scare tactics by backing down. We do not waver, or cower in the face of intimidation,” dagdag pa ni Malaya.

Sinabi naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman for the West Philippine Sea (WPS) Jay Tarriela na ipinadala na nila sa lugar ang BRP Teresa ­Magbanua upang mapigilan ang paglapit pa ng monster ship sa Pilipinas ngunit kinailangan itong pabalikin sa Port of Bataan matapos na mag-overheat.

Bunsod nito, napilitan ang naturang barko na bumalik sa Port of Bataan kaya’t nagawa umanong muli ng ‘monster ship’ na makalapit sa area ng Pundaquit, Zambales.

“This early morning BRP Teresa Magbanua experienced overheating of auxiliary engines, that’s why it returned to Port of Bataan. That is the reason why China Coast Guard was again able to come near at a distance of 67 nautical miles,” ani Tarriela.

“I’m not an engineer to explain why there was an overheating. But right now the Philippine Coast Guard 9701 is back in the game. They’re once again blocking the China Coast Guard 5901,” anang opisyal.

Muling bumalik ang BRP Teresa ­Magbanua sa pagbabantay sa ­monster ship kasama na ang BRP Gabriela Silang.

Idinagdag naman ni Malaya na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nag-isyu na ng diplomatic protest laban sa presensiya ng monster ship.

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->