^

Bansa

POGOs lumipat sa Visayas, Mindanao

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
POGOs lumipat sa Visayas, Mindanao
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) executive director Gilbert Cruz na nakatutok sila sa Visayas ngayon matapos na makatanggap ng ulat na doon naglipatan ang POGO.
Vallery Hache / AFP

MANILA, Philippines — Posibleng lumipat ng operasyon sa Visayas at Mindanao ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) executive director Gilbert Cruz na nakatutok sila sa Visayas ngayon matapos na makatanggap ng ulat na doon naglipatan ang POGO.

‘’Mayroon po tayong monitoring na ginagawa, ‘yun nga nakatutok din tayo sa Visayas kasi may mga report tayo na natatanggap na naglipatan...”ayon kay Cruz.

Ayon pa kay Cruz, 80% ng tinatayang 400 POGO hubs na kanilang namonitor ay tumigil na sa operasyon.

Subalit hindi naman aniya ito ibig sabihin na tumigil nang tuluyan dahil sa ngayon ay mayroon pa silang hinahabol na mga small-scale.

Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon ay pinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang operasyon ng POGO, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with