^

Bansa

Dismissal ng riders na non-pro lisensiya, binatikos ni Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dismissal ng riders na non-pro lisensiya, binatikos ni Tulfo
Senator Raffy Tulfo
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo, chairman ng ­Senate Committee on Public Services, ang CEO ng Angkas na si George Royeca dahil sa hindi makatarungang pagtanggal sa mga riders na ang lisensiya ay non-professional.

Binanggit ni Tulfo sa isinagawang pagdinig ang biglaang pagtanggal ng humigit-kumulang 100 riders na non-professional ang drivers license noong katapusan ng Disyembre 2024.

Sinabi niya na ang mga riders na ito ay pinangakuan ng tulong para maging professional ang lisensiya sa pagmamaneho.

Bagaman at sa pagdinig noong Disyembre 2024 kaugnay sa lahat ng transport network companies pinagsabihan ang ­Angkas sa pagkuha ng mga non-professional riders. 

Ayon kay Tulfo, hindi tinulungan ng Angkas ang mga nasibak na maging professional ang lisensiya.

“Hindi ninyo sila tinulu­ngan hanggang sa masibak dahil hindi naging professional ang kanilang non-pro na lisensya,” ani Tulfo.

Binigyang-diin ng senador na dapat ay tinulungan ng Angkas ang mga riders nito sa kanilang akreditasyon bilang professional riders.

Kinumpirma naman ni Royeca na pinahintulutan nila ang mga hindi propesyonal na drivers sa layuning gamitin ang fleet na ito para sa pag­hahatid habang sila ay sumailalim sa dalawang buwang pagsasanay at ma-convert sa propes­yonal ang hawak na ­lisensya.

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->