^

Bansa

Pandesal liliit, loaf bread tataas ang presyo

- Nina Ludy Bermudo, Doris Franche  At Rose Tamayo-Tesoro -

Wala umanong maga­gawa ang mga bakery sa bansa kundi itaas na muli ang presyo ng pandesal, loaf bread at iba pang tinapay sa susunod na linggo. 

Sinabi ni Simplicio Umali, pangulo ng Philippine Baking Industry Group o Philbaking, na ipatutupad nila ang pag­taas sa presyo ng tinapay kung magmamatigas ang mga flour miller na ipa­tupad ang P30 hanggang P40 sa kada 25-kilo bag ng harina na katumbas ng 4 hanggang 6 porsyento.

Aniya, kung ganito kalaki ang itataas ay ma­pipilitan sila na itaas mula piso hanggang P1.50 ang loaf bread.

Apektado rin umano dito ang presyo ng pan­desal na nakatakdang taasan ng .25 sentimos o dili kaya’y liitan na lamang ang sukat nito.

“Nagtataka kami kung bakit pataas ang presyo ng harina, gayung paba­ba na ang presyo ng trigo sa Amerika at iba pang bansa,” ani Umali.

Maging ang Tinapay ng Bayan na programa ni Pangulong Arroyo ay apektado rin sa pagtataas ng presyo.

Kasabay nito, nana­wa­gan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) na bumuo ng isang investigating body para imbestigahan ang hindi umano makatwirang pag­lobo sa presyo ng harina.

Idinadahilan umano ng flour millers na tumaas ang freight cost at mataas na rin ang bili nila sa harina. 

“Tumaas din kasi ang presyo ng ibang raw materials like shortening, premium margarine, ren­tal cost, pati na LPG.” ayon naman sa bise pre­sidente ng Federation of Bakers Associations Inc. na si Lucito Chavez.

Gayunman, nangako ang Philbaking na magro-rollback na lamang sila sa susunod na buwan kung ibaba ng flour millers ang presyo ng ipinapasang harina.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FEDERATION OF BAKERS ASSOCIATIONS INC

LUCITO CHAVEZ

PANGULONG ARROYO

PHILBAKING

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with