^

Bansa

Lasenggong pulis binalaan ni Razon

-

Hindi mangingimi ang Philippine National Police (PNP) na patawan ng kaukulang kaparusahan ang sinu­mang pulis na mahuhuling nag-iinom at nag­bababad sa mga beer house at iba pang establisimyento sa buong bansa. 

“ Bawal po yang mag-inom, hindi natin pinapayagan yan lalo na dalhin nila ang baril nila sa mga entertainment establishment,” pahayag ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr.

Sinabi ni Razon na walang puwang sa serbisyo ang mga pulis na lasenggo na dahilan sa impluwensya ng alak ay nakakalimot na sa sinumpaan ng mga itong tungkulin at nasasangkot pa sa mga panggugulo.

Ginawa ni Razon ang pahayag sa gitna na rin ng pagkakahuli ng mga elemento ng Quezon City Police District sa isang bagitong pulis na nanutok ng baril habang nag-iinom sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Ang nasabing pulis na kinilalang si PO1 Clifford Basig, miyembro ng CALABARZON Police ay nakum­piskahan rin ng 9mm caliber pistol ay nahaharap ngayon sa kasong kriminal na tiniyak ni Razon na papatawan ng ‘disciplinary action.’ 

Sa kabila ng ilang mga insidente ng katiwalian na kinasangkutan ng mga pulis, iginiit ni Razon na naka­kala­mang pa rin ang mga pulis na buong giting na gina­gampanan ang kanilang tungkulin sa pagseserbisyo sa mamamayan. (Joy Cantos)

vuukle comment

BAWAL

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

CLIFFORD BASIG

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with