^

Bansa

Tag-gutom lumala

- Ni Angie dela Cruz -

Lalong dumami ang mga Pilipino na nagu­gutom dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin.

Ito ay batay sa isang bagong survey ng Social Weather Stations kaugnay ng ka­salukuyang estado ng buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Sinasabing sa na­ka­lipas na tatlong bu­wan, patuloy ang pag­dami ng mga taong nagugutom at walang makain mula sa may 2.9 milyong Pilipinong pamilya sa kasaluku­yan.

Sinasabi sa survey na ang kagutuman ay bunsod ng kawalan ng makain ng mga Pili­pino. 15.7 percent ng 2.9 milyong Pilipinong pamilya ang walang makain noong unang kuarter ng taong 2008.

Noong September 2007, nakapagtala ng 21.5 percent ng mga Pilipino ang nagugu­tom na naitalang pina­kamataas sa kasalu­kuyan.

Ang naturang survey ay naisagawa mula Hunyo 27 hang­gang Hunyo 30 ng taong ito mula sa may 1,200 pamilya sa bu­ong bansa.

HUNYO

LALONG

NOONG SEPTEMBER

PILIPINO

PILIPINONG

SHY

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with