^

Bansa

ERC chief: ‘Di ako crony!’

-

Pumalag ang kontro­ber­siyal na si Energy Re­gulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut laban sa mga birada sa kanyang kakayahan na pamunuan ang ahensiya kasabay ng pagsagot sa paratang na wala siyang kaugnayan sa mga power generating companies na hinihinalang mga cronies ng Malacañang. 

“Nais kong malaman ng lahat na hindi ko ka­mag-anak ang mga natu­rang tao. Kaapelyido ko lamang po sila at wala akong kaugnayan sa kanila,” paglilinaw ni Chair Ducut patungkol sa Transpacific Consolidated Resources, Inc. (TCRI) na umano’y pag-aari nina Leslie at Ressie Ducut. 

Sa maikling panayam, sinabi ni Ducut na mahigit 10 taon ang karanasan niya bilang abogado at nagsilbi sa Kongreso ng 3 termino. 

Nakasaad sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na dapat abogado ang chairman ng ERC.  

Ang ERC ay isang quasi-judicial body na itinalaga ng batas upang pangalagaan ang interes at kapakanan ng mga ku­mukonsumo ng kuryente at bantayan ang mga po­wer providers upang sigu­ruhin na walang mang-aabuso sa mga konsyu­mers. 

“Makakaasa po ang lahat na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maitaguyod ang isang maliwanag na bukas para sa stakeholders ng electric power industry,” pagtitiyak niya. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CHAIR DUCUT

CHAIRMAN ZENAIDA DUCUT

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

ENERGY RE

RESSIE DUCUT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with