^

Bansa

Libreng acupuncture sa pulis

-

Mabibiyayaan na ng libreng acupuncture bilang alternatibong medisina ang mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) na naglalayong malunasan ang mga sakit na hyperacidity, asthma, sakit ng ulo at iba pang uri ng pananakit ng katawan dulot ng stress.

Hinikayat ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., ang may 120,000 pulis na sumailalim sa acupuncture kasunod na rin ng isasagawang medical mission sa Hulyo 10 sa Camp Crame ng mga Korean doctors na eksperto sa oriental medicine.

May 20 doktor mula sa Korea ang magsa­sagawa ng panggagamot. Ito ay libre at ang normal na si­ngil sa ganitong serbisyo ay nasa P2,000 pataas.

Sa naturang mission, aabot sa 300 pulis, mga kaanak ng mga ito at miyembro ng media ang nagpahayag ng pag­nanais na sumailalim sa naturang uri ng pang­gagamot.

Ang medical mission ay pangungunahan ng Rotary Club of Pasay sa pamumuno ni Councilor Emi Calixto-Rubiano at Aida Sy Foundation. (Joy Cantos)

vuukle comment

AIDA SY FOUNDATION

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

COUNCILOR EMI CALIXTO-RUBIANO

HINIKAYAT

HULYO

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROTARY CLUB OF PASAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with