^

Bansa

Ces tutol gawing testigo ang driver-guide

-

Tutol si ABS-CBN reporter Ces Drilon na ga­wing testigo ang ka­nilang driver-guide na si Jumail Biyaw alyas Maming ka­ugnay ng kasong 4 counts of kidnapping for ransom laban sa mag-amang sina Indanan, Sulu Mayor Alvarez Isnaji at anak nitong si Haider.

Ayon kay Drilon, mas nais niyang isama sa charge sheet si Biyaw makaraan silang iwan sa kamay ng mga bandidong sumundo sa kanila sa Sulu.

Si Biyaw ang pinaghi­hinalaan ng ABS- CBN news team na nagtraydor sa kanilang grupo ma­tapos silang dukutin ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu noong Hunyo 8.

Una rito, inihayag ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., na gagawing witness sa halip na suspect si Biyaw laban sa mag-amang Isnaji.

Nitong Lunes ay nag­sumite ng supplemental complaint ang grupo ni Drilon laban sa mag-ama na piniling negosyador ng mga kidnapper na Abu Sayyaf.

Kasabay nito ang pag­hahain ni Biyaw ng kan­yang sworn statement kung saan itinuro nito ang mag-ama bilang utak ng kidnapping.

Nasa pangangalaga na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Biyaw.

Nabatid na si Biyaw, dating commander ng Moro National Liberation Front, ang nagsilbing driver-guide ng grupo ni Drilon nang magtungo ang mga ito sa Sulu para intebyuhin si Sayyaf leader Radulan Sahiron alyas Kumander Putol. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BIYAW

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRILON

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with