^

Bansa

Lason kakalat, retrieval itinigil

- Nina Joy Cantos, Doris Franche, Rudy Andal, Malou Escudero At Butch Quejada -

Ipinatigil kahapon ng Task Force M/V Princess of the Stars ang retrieval operations sa mga bangkay sa loob ng barko matapos madiskubre ang 10,000 kilo ng nakalalasong pesticides na kabilang sa kargamento ng lumubog na barko ng Sulpicio Lines.       

Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na miyembro ng inter-agency task force, ang pagkakaroon ng Endosulfan na pag-aari ng Del Monte Philippines sa natu­rang passenger ship na nakalagay sa 40-foot container van. 

Ang Endosulfan che­ micals ay isa umanong super-toxic pesticide na gina­gamit na pamatay sa in­sekto sa taniman ng pinya.

Ang maaari lamang umangkat nito ay ang Del Monte Philippines at DOLE, subalit bawal isa­kay sa passenger vessel gaya ng MV Princess.  

Nadiskubre ang pesticides matapos lumiham ang Del Monte Philippines sa Fertilizers and Pesticide Authority hinggil sa posi­bleng implikasyon ng pag­kakalubog ng Endosulfan sa tubig.

Agad namang ipina­rating ng Fertilizers and Pesticide Authority sa DOH ang insidente. Nabatid na wala umanong clearance ang Sulpicio Lines mula sa Fertilizers and Pesticide Authority nang ikarga ang ipinagbabawal na karga­mento. Idedeliver sana sa Cebu ang nasabing ke­mikal.

Samantala, pagpapali­wanagin ng Senado ang Sulpicio Lines dahil sa kargang 10 tonelada ng de­likado at restricted na pesticide.

Ayon kay Sen. Mar Roxas, maliwanag na inilagay ng mga may-ari ng Sulpicio Lines sa panganib ang buhay ng mga pasa­hero nito, kahit nagkataong hindi lumubog ang barko.

Ayon kay Roxas, wa­lang karapatang magne­gosyo sa Pilipinas ang mga iresponsableng tao at kumpanya.

Iimbestigahan naman ng Kamara ang multi-milyong halaga ng Global Maritime Distress Safety System (GMPSS) na binili ng gobyerno para ban­tayan o mamonitor ang biyahe ng mga barko sa karagatan ng Pilipinas,  ngunit hindi napakina­bangan.

Ang nasabing hi-tech equipment ay nabili sa rekomendasyon ng DOTC noong panahon ni dating Pangulong Ramos.

ANG ENDOSULFAN

DEL MONTE PHILIPPINES

FERTILIZERS AND PESTICIDE AUTHORITY

SHY

SULPICIO LINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with