E-power gagamitin ni GMA
Handa si Pangulong Arroyo na gumamit ng emer gency powers para malutas ang kinakaharap na krisis sa pagkain, langis at enerhiya ng bansa.
Ito ang nakapaloob sa Executive Order 728 na nilagdaan ng Pangulo kaugnay sa pagbuo ng Food and Energy Council.
Sa ilalim ng section 6 ng EO 728, inaatasan ang Council na pag-aralan ang sitwasyon at magrekomenda sa Kongreso at sa Pangulo kung kailangan nito ng emergency powers kapag umabot sa worst-case scenario ang suliranin ng bansa.
Ang binuong high-level council ay pamumunuan mismo ni Mrs. Arroyo kasama sina NEDA chief Augusto Santos, Agriculture Sec. Arthur Yap, NAPC head Domingo Pa nganiban at Energy Sec. Angelo Reyes at iba pang opisyal ng Gabinete at mga pinuno ng mga komite sa Kamara at Senado.
Sa Lunes, magpupu long ang Council kasama ang mga kinatawan mula sa ‘academe’ para talakayin at pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa partikular ang problema sa pagkain, langis at enerhiya.
Bahagi ng magiging trabaho ng council ay i-monitor ang food at energy supply at magbigay ng rekomendasyon upang malutas ang krisis.
- Latest
- Trending
















