^

Bansa

1,334 bgys. tututukan sa ARMM polls

-

Umaabot sa 1,334 barangays ang tinutu­tukan ng PNP na posib­leng maging areas of concern habang may 468 namang mga barangay ang tinutukang areas of immediate concern ka­ugnay ng gaganaping halalan sa Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) sa dara­ting na Agosto 11 ng taong ito.

Ayon kay Chief Supt. Joel Goltiao, hepe ng ARMM Police Regional Office, ang nasabing na­tukoy na mga hotspots ay base sa rekord ng kara­hasan, matinding laba­nan sa pulitika at presen­sya ng mga arma­dong grupo o mga re­belde sa nakalipas na halalan.

Sa kabila naman na labanan sa pulitika ang nagiging dahilan ng mga election related violent incident, sinabi ni Goltiao na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang umiiral na ang mainit na sagu­paan ng partidong puliti­kal sa kanilang area.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal base sa kani­yang security assessment ay hindi magiging bayolente ang idaraos na ARMM elections sa Agosto. (Joy Cantos)

AGOSTO

AUTONOMOUS REGION

AYON

CHIEF SUPT

JOEL GOLTIAO

JOY CANTOS

MUSLIM MIN

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with