^

Bansa

CBCP tutol sa pagbabalik ng death penalty

-

Nagpahayag na ng pag­tutol ang Simbahang Kato­ liko sa isyu ng muling pag­buhay sa batas na nagpa­pataw ng parusang kama­tayan, sa kabila ng pagtaas ng kaso ng ka­rumal-dumal na krimen sa bansa, sa kasalukuyan.

Sinabi kahapon ni Pam­panga Archbishop Paciano Aniceto na  ang tunay na solusyon sa mga matitin­ding problema sa  bansa ay kailangang mag­mula mis­mo sa loob ng pamilya at pagpa­pahalaga sa ka­sagra­duhan ng buhay.

“Hindi solusyon iyan (death penalty) eh. Na­pakadaming nasa maximum  security, mayroong death penalty, eh hindi naman tumitino ang sos­yedad,” pahayag ni Ani­ceto.

Naniniwala si Aniceto na ang kawalan ng sapat na gabay sa pamilya at  kakulangan sa mga ka­rakter na magagaya sa magulang ang siyang dapat  pagtuunan ng pan­sin. Isa na rito ang pa­ngingibayong dagat ng mga magulang at iba pang kaso ng hiwala­yang mag-asawa kaya nagmimis­tulang “featherless generation” ang umiiral ngayon.

Dapat aniyang, bigyan ng pagkakataon ang sinu­mang nagkasala na maka­pagnilay at magbago mula sa kaniyang mga naga­wang kasamaan.

Ang panukalang ibalik ang death penalty ay lumu­tang nang dahil sa  magka­kasunod na insidente ng patayan sa bansa partikular ang holdap/masaker sa 10 katao sa RCBC sa Cabu­yao, Laguna. (Ludy Bermudo)

ANICETO

ARCHBISHOP PACIANO ANICETO

CABU

LUDY BERMUDO

SHY

SIMBAHANG KATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with