^

Bansa

Kaso ng Kuratong pinabubuksan

-

Hiniling ng mga kaanak ng napatay na mga miyem­ bro ng Kuratong Baleleng na desisyunan na ng Korte Suprema ang petition ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Solicitor General na nagla­layong buhayin ang kaso laban kay Sen. Panfilo Lac­son at sa mga tauhan ng bi­nu­wag na Presidential Anti-Crime Commission (PACC).

Sa pulong balitaan kahapon sa pangunguna ng Free Legal Assistance Group o FLAG, nagpa­hayag ng pangamba ang mga kamag-anak ng napa­tay na tuluyang malusutan ng kampo ni Lacson ang pa­nanagutan dahil sa mas­yado ng matagal na naka­bin­bin ang kaso at posib­leng masira na rin ang lahat ng ebidensiya laban sa grupo ng senador lalo pa at hindi ito naipreserba.

Nakiusap na rin ang mga kamag-anak ng mga biktima na unahin o iprayo­ridad ng Korte Suprema ang paghatol sa kaso upang makamit na nila ang katarungan.

Nangangamba din sila dahil hanggang sa kasalu­kuyan ay nasa puwesto pa rin ang mga nasa likod ng pagpaslang sa mga miyem­bro ng Kuratong na anu­mang oras ay maaring mag­hasik ng banta sa kani­lang buhay.

Matatandaan na noong Marso 2004 ay dumulog sa SC ang DOJ at OSG upang ipawalang bisa ang naging kautusan ni QCRTC Judge Teresa Yaddao na nagpa­wa­lang sala sa grupo ni Lacson. (Gemma Amargo-Garcia)

DEPARTMENT OF JUSTICE

FREE LEGAL ASSISTANCE GROUP

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE TERESA YADDAO

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with