^

Bansa

OFWs sa Lebanon pinayuhang mag-ingat

-

Upang huwag mala­gay sa peligro, pinayuhan ng mga opisyal ng pama­halaan ang may 25,000 Overseas Filipino Workers sa Lebanon na mana­tili muna sa kanilang mga tahanan kaugnay ng ka­gu­luhan sa bansang Le­banon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs, ang naturang babala ay ipina­labas nina Consul Joseph Assad, Honorary Consul ng Lebanon to the Philippines at  Abdul Kader Al Jadid, Pangulo ng Filipino-Lebanese Friendship Association matapos i-assess ng mga ito ang kaguluhan sa Beirut, ang kapitolyo ng Lebanon.

Ayon sa mga opisyal mas makabubuting lu­mayo sa mga kalsada ang mga OFWs at sumu­nod sa kanilang mga amo  para sa kanilang kalig­tasan. Pinapayuhan ang mga ito na isagawa ang kaukulang pag-iingat upang makaiwas sa pa­nganib.

Magugunita na  su­miklab ang kaguluhan sa Beirut matapos na pu­wersahang kunin ng mga Hezbollah forces ang kontrol sa West Beirut  mula sa mga Sunni na tapat sa US-backed government. (Joy Cantos)

 

ABDUL KADER AL JADID

CONSUL JOSEPH ASSAD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FILIPINO-LEBANESE FRIENDSHIP ASSOCIATION

HONORARY CONSUL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with