^

Bansa

6-buwan walang VAT

- Ni Malou Escudero -

Isusulong ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na suspin­dihin ng anim na buwan ang expanded value added tax lalo na sa mga produktong petrolyo dahil naghihirap na ang mga mamamayan.

Sinabi ni Pimentel, maituturing na nasa isang “emergency situation” ang bansa kaya marapat la­mang na alisin na muna ang EVAT na lalong nag­papahirap sa taumbayan at nagiging dahilan upang tumaas lalo ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Naniniwala si Pimen­tel na malaki ang maitu­tu­long sa pamumuhay ng mga mamamayan kung pansamantalang tatang­galin ang EVAT kahit sa loob lamang ng anim na buwan kung saan ma­aring gumanda ang eko­nomiya ng bansa.

Nauna nang narana­san ng bansa ang tuloy-tuloy na pagtaas ng pre­syo ng bigas na sina­sabayan naman ngayon ng paglobo sa presyo ng gasolina na umaabot na sa P50 bawat litro.

Bagaman at palaging iginigiit ng Malacañang na walang kakulangan sa suplay ng bigas, iba na­man ang nararam­daman ng mga ma­ma­mayan da­hil hindi bu­mababa  ang  presyo nito.

Kumpiyansa si Pimen­tel na bababa ang presyo ng pagkain at maging ng langis kung pansaman­talang tatanggalin ang 12% EVAT.

Ilang senador na rin ang nagmungkahi sa Senado na tanggalin na lamang muna ang EVAT lalo na sa langis.

BAGAMAN

ILANG

ISUSULONG

KUMPIYANSA

PIMEN

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with