^

Bansa

Sex palit birth certificate

- Joy Cantos -

Matapos ang “rectum scandal” ay muling binu­labog ng panibagong kon­trobersya ang Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.

Ito’y matapos na irek­lamo ng pasyenteng si Ronalyn Caballes, 27 anyos at single mother si Jeffrey Polanco, dati uma­nong empleyado ng VSMMC na nakatalaga sa Medical Records Section.

Sa salaysay ni Ca­balles, nanganak siya ng sanggol na lalaki noong nakalipas na Enero 16 sa nasabing ospital subalit naiwan niya ang birth certificate ng kaniyang anak kaya bumalik siya para kunin ito.

Dito niya nakilala si Polanco na nagsabing tutulungan siyang mai-release kaagad ang birth certificate ng sanggol kapalit ng sexual intercourse sa nasabing lalaki.

Tumanggi si Caballes at sa halip ay ipinadakip si Polanco sa mga opisyal ng barangay sa Bgy. Ti­nago ng lungsod na ito.

Ayon naman kay Em­ma­nuel Gines, Liason Officer ng Media Affairs ng VSMMC, contractual employee lamang nila si Polanco at nag-resign ito noong Abril 16 pa.

Sa sobrang kahihiyan ay hindi umano siya ka­agad nagreklamo subali’t dahilan sa paglutang ng kontrobersyal na “rectum surgery scandal” kama­kailan sa YouTube ay na­pilitan na siyang luman­tad para magharap rin ng asunto.

Sa lumabas sa You Tube video, makikitang inooperahan ang isang 39-anyos na bading na itinago sa pangalang George na pinasakan ng canister o body deodorant sa puwet ng isang call boy na umano’y naka-sex nito noong Enero ng taong ito.

Maingay at nagtata­wanan ang mga doktor at nurse habang ibini-video ang proseso. Ang video na kinunan sa cellphone ay dinownload naman sa YouTube.

Rectum scandal

Dahil sa pagkalat ng nasabing iskandalo ay tatlong doktor at isang nurse ang pinakakasu­han at namemeligrong ma­tang­galan ng lisen­sya.

Sa panayam kay Leo­nor Rosero, chairman ng Professional Regulation Commission (PRC), si­nabi nito na alam na ng kanyang tanggapan ang “rectum scandal” na naila­gay sa YouTube at hihi­nintay na lamang niya ang pagsasampa ng pormal na reklamo ng inopera­hang pasyente. 

“Maaring reprimand, suspension o di kaya ay cancellation of license ang maging parusa sa mga doktor at nurse de­pende sa gravity ng kani­lang ginawa,” sabi ni Ro­sero.

Tiniyak ni Rosero na kaagad na magsasa­gawa ng imbestigasyon ang kanyang tanggapan sa sandaling maghain na ng reklamo ang pasyente para madetermina kung lumabag sa “code of ethics” ang mga sangkot. 

Base sa ulat umaabot sa 10 katao ang sangkot sa eskandalo kasama na dito ang tatlong doktor, isang nurse, medical at nursing students. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

ENERO

JEFFREY POLANCO

LIASON OFFICER

MEDIA AFFAIRS

POLANCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with