Gringo idiniin ni Faeldon
Matapos ang mahigit apat na buwang pagtatago, lumutang ang puganteng si Marine Capt. Nicanor Faeldon at tahasang itinuro si Senador Gregorio Honasan na siya umanong nagplano at nagpondo sa Oakwood mutiny na inilunsad ng Magdalo Group noong Hulyo 27, 2003 para pabagsakin ang gobyerno.
Sa exclusive interview ni Ces Drilon ng ABS-CBN, sinabi ng nagpakilalang si Faeldon na si Honasan ang “Kuya” ng Oakwood mutineers.
Iginiit nito na sa tamang panahon at pagkakataon ay ilulutang niya ang mga dokumentong nag-uugnay kay Honasan sa pag-aalsa sa Oakwood.
Sa ngayon ay hindi umano niya pinag-iisipan ang sumuko sa mga awtoridad na humahanting sa kanya.
Si Faeldon, may patong sa ulong P1 milyon ay nakatakas sa kasagsagan ng
Siya, kasama si Honasan at 28 pang opisyal ng Magdalo ay nilitis sa kasong kudeta sa Makati City Regional Trial Court. Pinawalang sala si Honasan ng korte dahilan umano sa kawalan ng ebidensya na magdidiin sa kaso.
Sinasabing bahagi ng compromise deal ng Senador sa pamahalaan ang pag-absuwelto rito sa kaso.
Base sa report ng military intelligence, si Honasan umano ang sinasabing “Kuya” ng Magdalo Group na pinamunuan ng noo’y si dating Navy Lt. Senior Grade at ngayo’y Sen. Antonio Trillanes IV.
Ang nasabing mga dokumento ng alyas “Kuya” ay nasamsam sa raid sa Oakwood Hotel.
Pinapurihan naman ni Faeldon si Trillanes dahilan sa patuloy nitong pagmamatigas na yumukod sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.
- Latest
- Trending