6 Pinoy na hinostage sa Somalia uuwi na
Nakatakda nang umuwi sa bansa matapos na mapalaya nitong Biyernes ang anim na Pinoy seamen na kabilang sa 30 dayuhang tripulanteng na-hostage sa
Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Esteban Conejos na napalaya na sina Marisol Abalos, cabin stewardees, 25, ng San Mateo, Rizal; Domingo Barayang, 2nd cook, 35, ng Sta. Rosa, Laguna; Gary Caingat, waiter, 27, ng Tandang Sora, Quezon City; Gilbert Glorioso, 30, ng Antipolo City, Rizal; Alexander Hibi, utility man, 28, ng Tondo, Manila at Victor Rebanal ng Polangui, Albay. Ang mga Pinoy seamen ay pawang crew ng barkong French Le Ponant. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending