^

Bansa

Tax moratorium hingi ng magbababoy

-

Dahil sa tumataas na halaga ng mga bili­hin, humihiling ng isang taong moratorium sa taripa o buwis ang mga magbababoy sa bansa sa mga sang­kap sa paggawa ng feeds.

Ayon kay Renato Eleria, vice chairman ng National Federation of Hog Farmers, Inc., masyadong mataas  ang presyo sa ngayon ng pakain sa baboy dahil na rin sa taas ng taripa sa mga sangkap tulad ng tapioca na nanggagaling pa sa Thailand at Vietnam,  soybean mill,  fishmill, at wheat  na pamalit sa mais.

Anya, dumoble sa ka­salukuyan ang pres­yo ng feeds  na uma­abot na sa P1,000 hang­gang P1,200 isang sako  kum­para sa dating P600 lamang sa  nakalipas na apat na taon.

Dahil dito, mara­ming mga feedmill aniya  ang nagsasara na lamang  kada taon na nagre­resulta  naman para bu­maba ang bilang ng mga  nagtitinda ng feeds  at pagtaas ng presyo nito  sa mga pamilihan at palengke. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

DAHIL

NATIONAL FEDERATION OF HOG FARMERS

RENATO ELERIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with